45599064-9094-48b0-bc51-4894ffe99eb6.jpeg
eec519fc-f6d4-4b04-a7db-feb2e9a59215.jpeg
1/2
Free Talk

Buhay Pomeranian FurParent 🐶

Akala ko noon, cute lang talaga ang Pomeranian.. maliit, fluffy, parang stuffed toy na gumagalaw. Pero ngayon, alam ko na… maliit lang sila pero grabe ang lakas ng loob sa away! 😂 Tuwing may kumaluskos sa labas, akala mo may zombie apocalypse na paparating. Kahit langaw lang ang dumaan sa bintana, ayan na, ARF ARF ARF! buong barangay gising na. At ‘pag hindi mo siya pinansin? Aba, magtatampo! Lalapit sayo, titingin nang masama, tapos biglang lalayo na parang ikaw ang may kasalanan. Hindi siya aso.. isa siyang drama king, security guard, at minsan, alarm clock na may sariling oras ng gising. Pero kahit nakakabingi minsan, hindi ko ipagpapalit ang furbaby kong ito. Sa ingay niya, napuno ng ligaya ang bahay at ng maraming buhok sa sofa. 😂 #PomProblems #LifeWithPoms #BarkNgBark

  • Furparent
  • Furbabies
  • Pomeranian
Viewed by 15 people
Comments 7
No comments yet. Be the first to share your thoughts.

More Posts to Explore