My Showtime Studio Experience
"papapaaaa papaaaaa paraaaapaaaapaaaa" ang saya talaga sa studio ng It's Showtime!!! 😊 bawal lang kasi mag picture during airtime, pero after pede na 😊 9 am yung call time, tapos pinakain na kami ksi bawal ang food and drinks sa loob, though may water dispenser naman.. may safety orientation din before mag start.. tapos 15 minutes before mag start mag air, tinuruan na kami nung steps sa opening 😊 aliw makita yung mga pinapanood mo lang sa tv pero nakita mo inperson.. gustong gusto ko talaga ng mga artista sightings LOL kasi dun mo makikita na totoong tao lang din sila behind the camera 💜 talagang na achieve naman yung enjoyment na isa sa goal ng It's Showtime -- talagang madlang people let's party party!!! #showtime #kapamilyaforever