49143.jpg
Real Review

🧄🧀Cream Cheese Bun ng Carpenter’s Brew Ca

Isa ito sa pinaka-sulit na tinapay na natikman ko — ‘yung Cream Cheese Bun nila ay isang perfect na combo ng savory at sweet. Crispy sa labas, tapos sobrang lambot sa loob. Bawat hiwa, may rich and creamy na cheese filling na lasang dessert pero may garlic kick. Hindi siya ‘yung overpowering na garlic, sakto lang — parang may halong sweetness na parang dessert na may savory hugot.” Habang kinakain ko ito, napatingin ako sa paligid — ang ganda ng vibes. Tahimik, presko ang hangin, at parang ang simple ng buhay. ‘Yung lugar mismo ng Carpenter’s Brew Café, hindi man fancy pero sobrang warm ng atmosphere. Ang sarap tambayan lalo na pag hapon, with coffee sa tabi ng garlic bread. Feel na feel mo talaga ‘yung probinsyang payapa pero classy in its own way.

  • #CreamCheeseBun
  • #Carpenter'sBrewCafe
  • #CreamCheeseBread
Viewed by 2 people
Comment
No comments yet. Be the first to share your thoughts.

More Posts to Explore