3CDA6144-90C4-4E90-86EB-915CB75377BE.jpeg
Free Talk

Isang magandang umaga... 🌞

Isang umagang punong-puno ng biyaya — ito ako, naglalakad sa isa sa mga burol ng DRT, Bulacan, hawak ang mainit na kape habang ninanamnam ang presensya ng kalikasan. Ang hangin, presko; ang tanawin, parang likhang sining ni Lord na nilagay sa canvas ng langit at lupa. Tahimik, payapa, at napakatotoo ng kasiyahan. Na realize ko, na sa simpleng sandali, doon natin nararamdaman ang pinakamasarap na biyaya ng buhay — ang buhay mismo. Minsan, sapat na ang tanawin, tahimik na pag-iisa, at isang tasa ng kape para maalala mong ikaw ay buhay, mahal, at pinagpala. 😊

  • mornings
  • DRTBulacan
Viewed by 22 people
Comments 8
No comments yet. Be the first to share your thoughts.