Kung Love Nga, Bakit Ang Sakit?
You ever catch yourself loving someone so hard, but it feels like you’re slowly losing yourself in the process? Yung tipong binigay mo na lahat oras, effort, pang-unawa, pero parang ikaw lang ‘yung lumalaban? Love isn’t supposed to drain you. But sometimes, it does. And the worst part? You keep holding on, kasi iniisip mo, baka bukas, ayusin niya na. Baka magbago pa. Baka mahal ka rin niya gaya ng pagmamahal mo sa kanya. Pero habang hinihintay mong mahalin ka pabalik, unti-unti mong nakakalimutan mahalin ang sarili mo. Tapos andyan pa ‘yung guilt baka ako ‘yung may mali? Baka kulang pa ako? Baka ako ‘yung hindi sapat? Hindi totoo ’yon. The truth is, love isn’t supposed to confuse you all the time. Hindi mo dapat nararamdamang ikaw lang ‘yung may gustong lumaban. Love should feel like peace, not pressure. And I know, ang hirap bumitaw. Pero minsan, ‘yung akala mong love, attachment lang pala. Habit. History. Or takot maiwan. Pero alam mo kung anong klase ng love ang gusto mo talaga? Yung hindi mo kailangang ipagpilitan sarili mo. Yung pipiliin ka araw-araw, kahit may kahirapan. Yung hindi ka lang minamahal naiintindihan ka rin. Kaya kung pagod ka na, okay lang. Hindi ka mahina. Nagmahal ka lang nang totoo. And that’s never a bad thing. Mahal ka. Kahit hindi niya kaya, may taong kayang mahalin ka ng buo una na diyan, sarili mo.
- RealLoveTalk
- PiliinAngSarili