Buhay Pusa 🐈
Minsan naisip nyo din ba na what if maging pusa ka na lang? Walang work, walang school, walang deadlines, walang mga freeloader na officemates 🤣 walang hahabuling time in at time out, walang mga projects na ang deadline kasabay ng tinatapos nyong school play 😂 Gagawin lang araw araw ay kumain, matulog, i groom ang sarili, mag tumba ng mga naka patong sa lamesa, tumambay sa laptop hanggang sa hindi ka na maka pag type kasi dun na sya natulog 😂 gawing scratch post yung sofa nyo na kaka pa upholster pa lang ng nanay mo 🤣 Tapos papakitaan mo lang sila ng talent na "pagod pagodan" tulad nitong Ginger Cat namin na si Luna, yan ang talent nya akala mo ilang thesis paper ang tinapos, ilang powerpoint presentations ang ginawa, ilang pinggan ang hinugasan kung umasta 😂 tapos pagising gutom na naman sya at kailangan mong pakainin kundi madadagdagan ka ng kalmot mala Wolverine hahahaha Pero seryoso, ang simple lang ng buhay ng pusa ano? kain, tulog, groom, play, mag pa cute REPEAT... Kaya minsan pag gusto kong takasan ang realidad, naiisip ko nlng isang gabi, tutubuan ako ng whiskers, at pag may mag tanong kung kamusta ako? sasagutin ko nlng ng "eh di meow!" 🐈💜✨
- buhaypusa
- catsofrayover