A Bittersweet Story
When Life Gives You Tangerines is one of the most heartfelt Kdramas I’ve watched, lalo na knowing na base ito sa totoong kwento. Iba yung impact pag alam mong totoong tao yung pinaghugutan ng bawat eksena — mas ramdam, mas totoo, mas masakit. Ang ganda rin ng pagkaka-direk ng Kdrama na to. Simple lang yung pacing pero sakto lang sa mood at hindi minadali, hindi rin dragging. Yung cinematography? Nakakarelax pero may kurot sa puso. Yung mga tangerine trees, symbolic talaga na kahit nahuhulog na yung bunga, may panibagong tutubo means another chapter again. There's a lot of things I have learned from this, like hope, resilience, and the power of kindness. Totoong buhay man o drama, ang hirap ng pinagdadaanan ng iba, kaya always choose to be kind. Kung gusto mo ng story na totoo, mabigat, pero hopeful — When Life Gives You Tangerines is a must-watch basta prepare ka lang mg tissue. 😭
- K-Drama
- BitterSweet
- RealLifeStory