31E86001-DC0E-4FA5-A1C2-09FE70C75EE5.jpeg
30542A8C-160C-434A-81A4-2192F5C80CD3.jpeg
C45EE1DF-7AD5-4F91-B1C2-25ADC8940448.jpeg
73F60901-5B6F-40E9-9998-97E78FE7786A.jpeg
9A9FBD68-8C13-4390-8BFE-4B04147A4F7F.jpeg
1/5
Free Talk

My Enchanted Kingdom 2025 Experience 💜

After 19 years I went back to Enchanted Kingdom! Akala ko talaga hindi na sya pinupuntahan, konti na lang ang tao at finally masasakyan ko na din lahat ng rides... Pero akala ko lang pala yon LOL, kahit ang aga ko ng pumunta, I made sure pag open ng park andun na ako, pero ang haba na agad ng pila,kasi may mga company outings, and field trips. Actually, pang 4th time ko na itong mag visit sa EK, pero hindi ko pa din nasakyan lahat ng rides 😂 Pag pasok sa theme park, syempre hindi mawawala ang mandatory photo op with Eldar the Wizard 🥰 tapos dahil sobrang init, inuna ko puntahan yung Rialto, para maka experience ng aircon 🤣 ang cute nung Happy Family na show, ang ganda ng graphics at nakaka aliw yung story. At dahil Tita's of Manila na ang ating peg, medyo hindi na natin kaya yung mga sobrang extreme na rides.. Kaya dun ako sa Grand Carousel, surprisingly nag fit pa din ako dun sa horse at na ikabit pa din naman yung seatbelt 🤣 Next na sinakyan ko ay Flying Fiesta, then pumila na sa Agila.. wala ngang pic kasi bawal, pero sulit ang pag pila kasi para kang nag tour sa Pilipinas; masasabi mo ang ganda ng Pilipinas 🥰 At syempre, hindi magiging complete and EK experience kung hindi sasakay sa Wheel of Fate.. ang ganda ng view from the top, pero sobrang nakakalula, buti na lang dala ko yung mga pang haplas ko at naibsan yung hilo. Overall ang saya pa din sa EK, madami na ding food options, new rides and attractions and may mga shows at performances from celebrities. At yung fireworks, iba pa din yung dating, nakaka happy, nakaka reminisce ng childhood 💜 Pagod man, nag enjoy pa din ang aking 39 year old self, nakaka heal ng inner child, at talagang masasabi ko na may "magic" pa din talaga sa theme park na ito. ✨

  • EnchantedKingdom
  • amusementpark
  • goodvibes
Viewed by 1 person
Comment
No comments yet. Be the first to share your thoughts.