Survival of the Fittest
As I watched Squid Game Season 3, grabe the plot twist I did not expect. Kung akala natin matatapos na yung game, NO— kasi mas brutal, mas mind-blowing, at mas emotional ang bagong season. The games? Still intense. May mga bagong twists na hindi mo inaasahan. May isang game na themed around trust and betrayal na sobrang nakaka-stress — parang kahit ikaw, hindi mo alam kung sino pagkakatiwalaan mo. Visually, it’s still stunning. ‘Yung color palette, set design, and camera work? Chef’s kiss. Galing ng production, as always. Season 3 also hits hard on the issues of power and human nature. Mas pinakita dito kung paano ginagamit ng elite ang suffering ng mga tao for entertainment and control. Parang mirror siya ng real world — may mga taong naghihirap habang may iba na parang laruan lang ang buhay ng iba. Overall, Squid Game Season 3 is a powerful continuation of the series. Mas mature, mas dark, at mas relevant. Kung fan ka ng unang season, siguradong maa-appreciate mo ito. At kung naghahanap ka ng series na hindi lang panandaliang thrill, kundi ‘yung may lalim at substance — this one’s for you. For me it's giving 9/10 ;)
- Survival
- SquidGameSeason3
- HumanNature